SA Nobyembre 11 na gaganapin ang pinakainaabangang concert ng isa sa pinakasikat na rock band sa kasaysayan, dahil dadalhin ng Guns N’ Roses ang kanilang Not In This Lifetime Tour sa Philippine Arena sa Bulacan.

Guns N Roses

Maraming special packages ang naghihintay sa lahat ng concertgoers dahil inihayag na ng Live Nation, MMI Live, at Prestige Worldwide ang pinakamadaling paraan ng pagbili ng tickets, pag-book ng hotel accommodation, at maging sa transportasyon.

Para sa online ticket booking, maaari nang makabili ng tickets ngayon at mai-deliver sa iyo mismo, dahil nag-o-offer ang TicketWorld ng nationwide delivery transaction. Ang kailangan lamang gawin ay i-click Ang ‘Ticket Delivery’ option sa delivery method page ng naturang medium. Para sa iba pang impormasyon, log onto www.ticketworld.com.ph.

Tsika at Intriga

Sinamantala ang pagkakataon? Daniel, pinasok daw si Kathryn habang wala si Mommy Min

Maaari ring i-enjoy ng GNR fans ang The Arena’s VIP Lounge at Entertainment Tent, dahil may mga aktibidad dito gaya ng food fair, bazaars, motoring at sports exhibits, at grand fireworks display na mangyayari lamang sa premises sa araw ng concert. Malaki rin ang parking lot sa Philippine Arena sa 80-hectare space sa paligid ng venue at mahusay na ang traffic system papunta rito sa anim na Entrance at Exit Points (NLEX, Duhat, and Sta. Maria).

Para naman masiguro ang kaligtasan ng publiko, magkakaron dito ng 1,000 traffic enforcers na magpapatrulya sa paligid ng venue at ang PNP/LGU officers ay makikita naman sa loob at labas ng arena.

Ang Guns N’ Roses y binubuo nina Axl Rose (vocals, piano), Duff McKagan (bass), Slash (lead guitar), Dizzy Reed (keyboard), Richard Fortus (rhythm guitar), Frank Ferrer (drums), at Melissa Reese (keyboard). Ang kanilang pinakamalalaking hits ay Sweet Child O’ Mine, November Rain, Patience, Welcome to The Jungle, Knockin’ On Heaven’s Door, at marami pang iba.

Manila Bulletin Entertainment