Humarap sa Kamara ang mga opisyal ng Department of Transportion (DOTr) para makiusap na ibigay sa kanila ang P76.1 bilyong budget para sa 2019, pero kinagalitan sila dahil sa hindi matapus-tapos na mga proyekto.
Binanggit ng House Committee on Appropriations kay DOTr Secretary Arthur Tugade na hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang mga proyekto, gaya ng international airport at railway sa Bicol, at ang Galas port sa Dipolog.
Sa pamumuno ni Committee Vice Chairman Federico Sandoval (Lone District, Malabon City), ginisa ang mga opisyal ng DOTr sa pagkabalam ng mga proyekto gayong may pondo naman para sa mga ito.
-Bert De Guzman