INIHAYAG ng U2 frontman na si Bono na “(he will be) back to full voice” para sa nalalabing European tour matapos nilang kanselahin ang isang gig sa Berlin, kahit na ilang kanta pa lang ang kanilang nakakanta.

Bono

Libu-libong fans ang nadismaya nitong Sabado nang biglang nilang itinigil ang pagtatanghal nang mawalan ng boses si Bono.

“It’s not right for you. It’s useless,” sabi niya sa fans habang nakatayo sa entablado, pagkatapos niyang tumigil sandali sa pagkanta para uminom mula sa kanyang thermos. Pagkaraan ay tuluyan nang nakansela ang show.

Tsika at Intriga

'Comedy Queen' title kay Eugene Domingo, umani ng reaksiyon

Dahil dito ay nasa pangamba ang mga nalalabing shows ng Experience + Innocence, na kanilang bubunuin sa loob ng pitong buwan.

Ngunit sa isang pahayag na inilabas ng kanyang publicist nitong Linggo, inihayag ni Bono na nanumbalik na ang kanyang boses at ipagpapatuloy ang tour gaya ng plano.

“I’ve seen a great doctor and with his care I’ll be back to full voice for the rest of the tour,” sabi ng 58-anyos na singer. “So happy and relieved that anything serious has been ruled out.”

Dagdag pa niya, ang kanyang kaligayahan ay “tempered by the knowledge that the Berlin audience were so inconvenienced”.

Ngunit, aniya, babalik ang banda sa Berlin sa katapusan ng kanilang tour para isagawa ang bagong gig sa Nobyembre 13. Ito ay para sa mga manonood na hindi nakadalo nitong Sabado.

Nakatakdang magtanghal ang banda sa Cologne sa Martes, saka sila pupuntang France, Portugal, Spain, Denmark, Germany, the Netherlands, Italy, Britain at Ireland.

-Agence France-Presse