MASAYANG ipinagdiwang ng bayan ng Tipo-Tipo sa Basilan ang makulay na ikalawang Tipun-Tipunan Festival noong nakaraang linggo. Ang “tipun-tipunan”, na nagmula sa salitang pagtitipon, ay kinasanayan na ng mga taga Tipo-Tipo simula pa noong unang panahon. Ang mga katutubo nasa kabundukan at ibang bayan sa lalawigan ay nagkikita-kita upang magpalitan ng mga produkto at mag-usap-usap. Hanggang ngayon, ang bayan ng Tipo-Tipo ay pinupuntahan ng mga nagtitinda mula sa iba’t ibang bayan ng Basilan tuwing Martes.

IMG20180827101309

Sa ikalawang opisyal na pagdiriwang ng nasabing kapistahan, dinagsa ang makulay na selebrasyon dahil sa iba’t ibang aktibidad dito. Ang paligsahan ng iba’t ibang laro ay inumpisahan sa flag-raising contest ng mga barangay.

Pilit na kinaya ng mga kalahok ang pag-inom ng maasim na purong calamansi juice gamit ang tsupon, at pagkain ng maanghang na pansit, kahit halos magkandaubo na sila.

Tsika at Intriga

Niligwak daw sa TNT: ABS-CBN, It's Showtime pinaratangang credit crabber dahil kay Sofronio

Ang pag-abot naman sa pulang bandila sa tuktok ng mataas na kawayan na may grasa ay ilang beses na pinagtangkaan ng mga kalahok, na gumamit pa ng iba’t ibang istilo, katulad ng paggamit ng apog at abo upang tuluyang matanggal ang grasa at masungkit ang bandila.

Talentado namang ipinakita ng mga kalahok ang paghuli sa manok habang nakapiring ang mga mata, at pabilisan sa paglakad gamit ang bao ng niyog, kawayan, at sako ng bigas.

Hindi rin nawala ang pagalingan sa paggamit ng tradisyunal na instrumentong musikal, katulad ng aggung at kuwintangan, ng mga katutubong yakan. May kabataan din na nagpagalingan sa pagsasadula ng mga tradisyon, gaya ng yakan wedding, at ang pamosong war dance ng Basilan. May paligsahan din sa paggawa ng dulang, na yakan version ng handa sa ordinaryong boodle fight.

Isa sa mga pangunahing tampok sa nasabing kapistahan ang wooden bike race, kung saan ang mga kalahok ay gumawa ng bersiyon ng motorsiklo na walang motor, at kahoy lang ang kahang kinakabitan ng gulong. Inayusan ang mga nasabing bisikleta para magmukhang motorsiklo, at sa sobrang husay ng pagkakagawa ay hindi aakalain—sa unang tingin—na gawa ito sa kahoy.

Ang bayan ng Tipo-Tipo ay isang barangay lang dati, na saklaw ng Lamitan City. Nang hinati ang siyudad ay tuluyan nang idineklarang bayan ang Tipo-Tipo makaraang saklawin ang 11 barangay.

Dating kinatatakutan ang Tipo-Tipo dahil sa mga insidente ng patayan, sangkot ang mga rebelde.

Ayon kay Mayor Arcam Patarasa Istarul, mahirap at malaking pagsubok ang pamumuno sa Tipo-Tipo na kinailangang ibangon mula sa masalimuot nitong nakaraan, subalit sa paglipas ng mga taon ay unti-unting nakilala muli ang bayan bilang masagana at masaya, kung saan regular na nagsasama-sama ang mga katutubo para sa Tipun-Tipunan.

ng lugar kung saan nagtitipon tipon ang karamihan mula sa ibat ibang bayan upang magpalitan ng mga produkto, magkita kita at magsaya. Bagamat kaagad na masasabing ang “tipun-tipunan” ay ipinangalan sa bayan ng Tipo-Tipo, sinasabi sa kuwento ng matatanda na hinalaw ito sa pangalan ng kahoy na Tipu-tipu, na karaniwang makikita sa lugar. Noong unang panahon daw ay karaniwang ginagawa ang palitan ng mga produkto sa ilalim ng punong ito.

-Sinulat at mga larawang kuha ni JINKY LOU A. TABOR