ANG daming nagselos at nainggit kay Janine Gutierrez sa ipinost niyang picture na kasama si Henry Golding, ang lead actor at gumanap na Nick Young sa hit movie na Crazy Rich Asians. Kuha ang larawan sa Singapore noong Oktubre 2017 sa isang event ng Loui Vuitton.

Janine at Henry copy

Sabi ni Janine, noon ay in-introduce siya kay Henry kaya nagpa-picture na rin siya. “Nice” raw ang American-Malaysian actor na marami nang fans after mapanood sa Crazy Rich Asians.

Nakakatuwa ang caption ni Janine sa photo nila ni Henry: “Dear Nick Young, I will learn mhjong for you and I will also teach you patintero. Please reconsider. Love, (Slightly Crazy Hardworking Filipino. #tbtohe@louisvuitton #LVTimeCapsule launch in Singapore.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Nakakatuwa ring basahin ang comments sa naturang litrato nina Janine at Henry, lagot daw siya kay Rayver Cruz at may nagbirong lagot din siya kay Hammerman (Alden Richards sa Victor Magtanggol).

Well, ang totoo lang naman ay ‘yung kay Rayver. Dahil sa Victor Magtanggol lang naman mag ivolvement si Janine kay Alden, kaya sana ay tigilan na ang pamba-bash kay Janine.

Pero malabo yata itong mangyari kaagad lalo na dahil sa story ng Victor Magtanggol, ay lumalabas nang in-love na sa kanya si Victor (Alden).

Samantala, maganda ang ginagawa ng GMA-7 na isama si Janine sa mall show ng Victor Magtanggol dahil nakikita si Janine ng Kapuso viewers gaya nang naganap na event sa Bacolod at Cebu.

-NITZ MIRALLES