SA rami ng tao sa gala premiere ng Goyo: Ang Batang Heneral, nakita lang namin si Paulo Avelino nang tawagin siya sa harap ng stage ng Cinema 9 ng SM Megamall at ipakilala hindi lang bilang si General Gregorio del Pilar, kundi bilang isa sa executive producers ng movie. Katabi niya ang mga producer ng TBA Studios, Globe Studios at Artikulo Uno Productions, na mga producer ng pinakamalaking pelikulang Pinoy sa ngayon, na showing na simula Setyembre 5.

Jodie at Paulo copy

Anyway, balik kay Paolo, hindi namin nakita kung kasama niyang rumampa ang girlfriend niyang model na si Jodie Tarasek. Ang nakita naming may kasamang GF ay sina Epy Quizon na natatawang nagkuwentong hindi siya nakaupo nang gabing iyon.

Kasama naman ni Rafa Siguion-Reyna ang theater actress GF at ang parents niyang sina director Carlos Siguion-Reyna at Bibeth Orteza. Tinanong kami ni Bibeth kung okay ang pag-arte ni Rafa at sinagot namin siya ng positibo dahil totoo namang mahusay si Rafa sa mga eksena niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Very proud si Jodie kay Paulo at sa IG story nito ay nag-post siya picture nila ni Paulo. Caption niya rito, “so proud of you, love #goyoangbatangheneral.”

Nag-poost si Jodie sa kanyang social media account ng photos nila ni Paulo, pero sa socmed account ni Paulo, wala pa kaming nakikita.

Sana nga ay mangyari ang wish ng mga producer ng Goyo, buong cast at ni director Jerrold Tarog na suportahan ng moviegoers ang nabanggit na pelikula. Ang daming matututunan sa pelikula at mare-refresh ang kaalaman natin sa history gaya nang nangyari kay Goyo, kung paano siya namatay at kay Gen. Emilio Aguinaldo.

-Nitz Miralles