ITATAYA ni International Boxing Organization (IBO) bantamweight champion Michael Dasmariñas ang kanyang world rankings sa pagkasa sa knockout artist at walang talong super bantamweight boxer na si Manyo Plange ng Ghana sa 10-round bout sa Setyembre 29 sa Singapore City, Singapore.

Kasalukuyang nakalista bilang No. 5 contender sa WBC rankings na bakante ang titulo at No. 9 challenger kay IBF bantamweight champion Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico, kailangang magwagi si Dasmariñas para magkaroon ng pagkakataon sa WBC title na nabakante nang mag-overweight ang dating kampeon na si Luis Nery ng Mexico sa huling depensa nito.

Maganda ang rekord ng 30-anyos na si Plange na perpektong 17 panalo, 15 sa pamamagitan ng knockouts, ngunit ngayon lamang siya sasabak sa labas ng Ghana.

Maganda rin ang kartada ni Dasmariñas na 28 panalo, 2 talo na may 19 pagwawagi sa knockouts at huling lumaban nang palasapin ng pagkatalo via 4th round knockout si dating WBC No. 3 bantamweight Karim Guerfi ng France noong nakaraang Abril 20 sa Indoor Stadiuam sa Singapore City. - Gilbert Espeña

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA