Bunga ng kampanyang Oplan Paalala ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Quezon City, napanatili ang halos 90 porsiyentong pagbaba sa mga insidente ng sunog sa lungsod.
Base sa ulat ni QC Fire Marshall Senior Supt. Manuel M. Manuel, sa pagpatupad ng Oplan Paalala at programang awareness hinggil sa pag-iwas sa sunog ay naitala ang 90% pagbaba ng mga insidente ng sunog nitong Hulyo at Agosto 2018.
Dahil dito, pinasalamatan ni Mayor Herbert Bautista ang BFP matapos makumpirmang ang Quezon City ang may pinakakakaunting insidente ng sunog sa buong Metro Manila. - Jun Fabon