NAGPAKITA sa publiko si Lady Gaga, ang pop singer na minsan lang makitang walang extreme styled hair at heavy make-up, nitong Biyernes para sa kanyang unang pagsabak sa pelikula.

Gaganap si Gaga bilang girl-next-door na nakamit ang kanyang mga pangarap na maging tanyag na mang-aawit sa A Star Is Born, sa direksiyon ng kanyang co-star na si Bradley Cooper.

“He wanted to see me with nothing,” sabi ni Gaga sa news conference bago ang world premiere ng pelikula sa Venice Film Festival.

“I walked down the stairs of my house before we filmed the screentest for A Star Is Born and he had a make-up wipe in his hand and he put his hand on my face and he went like this,” aniya, habang ginagawa ang ginawang paghaplos ni Bradley sa mukha niya.

Teleserye

Kamukha ni Chucky? Lena, pang-Halloween pagmumukha

“There was make-up, just a little bit, and he said: ‘I want no make-up on your face’. And so this vulnerability was something he brought out of me.”

Sa pelikula, sinabihan ang karakter ni Gaga, si Ally na masyadong malaki ang ilong niya at ito ang magiging hadlang sa kanyang pagtatagumpay, isang bagay na binigyang-diin ng 32-anyos na singer.

“When I was first starting out, you know, I was not the most beautiful girl in the room,” aniya, at sinabi ang kanyang tiwala sa kanyang husay sa pagsulat ng sariling kanta ang naging susi para siya sumikat.

“There were lots of women that were singers but did not write their own music. Many record executives wanted to take my songs and give them to other women to sing, and I was, like, holding onto my music with my cold dead fingers saying: ‘You’re not going to take my songs from me’.”

Ipinalabas ang A Star Is Born sa isang non-competition slot sa Venice Film Festival noong Agosto 29 at mapapanood hanggang Setyembre 8. - Reuters