Muling humirit ng dagdag-presyo ang ilang manufacturer ng mga de-latang sardinas bago pa mapako ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa susunod na tatlong buwan.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, nasa P3 dagdag sa presyo ng kada lata ang hirit ng mga manufacturer ng mga sardinas na Youngstown, Mega, at Toyo.

Nilinaw naman niyang hindi basta-basta mapagbibigyan ang hirit ng mga ito.

Sabi ni Castello, papayagan namang muling magtaas ang presyo ng mga produkto pagsapit ng holiday season, o sa Disyembre, dahil sa inaasahang paglaki ng pangangailangan sa mga bilihin.

National

3 suspek sa pagkidnap at pagpaslang kay Anson Que, driver nasakote na!

Iginiit naman ni Atty. Vic Dimagiba, presidente ng Laban Konsyumer, na lubusin na hanggang sa huling araw ng 2018 ang “price freeze”.

Target ng DTI na mailabas ang bagong listahan ng Suggested Retail Price (SRP) ng mga pangunahing bilihin ngayong Sabado, unang araw ng “ber” months.

-BETH CAMIA