UMABOT sa more than 100,000 ang nag-like sa Instagram post ni KC Concepcion ng napaka-sweet na pose nila ng boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart sa gitna ng isang kalsada sa Place Furstemberg sa Paris.

Nagdiwang kasi ng birthday si Pierre, at siyempre pa, nasa Paris si KC para sa kanyang boyfriend.

“HAPPY BIRTHDAY to the truest gentleman I know. He taught me how to be a lady & allow a man to pour the bottles of water or wine, he eats AFTER I take my first bite, he still kindly opens doors, speaks gently, argues fair, is wildly affectionate & respects all that I am. Chivalry is NOT dead!

“Thank you for flying me over & having me here in Paris with you for this special day, I appreciate you & all you do, in every language we speak together!”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Bumati rin si Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta) kay Pierre: “Crying coz am so happy for you... Happy birthday to my dear Pierre! I love you my Tuttti. @peplassart”

Masaya si Sharon dahil sa lahat daw ng mga naging boyfriends ni KC ay si Pierre talaga ang pinakagusto niya.

Hindi rin mahihirapan si KC sakaling humantong na sa kasalan ang relasyon nila, dahil bihasa siyang mag-French, since ilang taon siyang nag-stay sa romantikong lungsod ng France para mag-aral. Doon siya nag-graduate ng college, at paborito niya talaga ang Paris, na she considers her second home.

Nora V. Calderon