Ipupursige ng House Committee on Appropriations sa ilalim ni Rep. Karlo Alexei Nograles (1st District, Davao City) na ma-institutionalize ang National Integrated Cancer Control Program (NICCP), na magsisilbing framework para sa lahat ng mga aktibidad ng gobyerno na may kaugnayan sa cancer.

Dumalo sa pagdinig ang cancer survivors at anti-cancer advocates na nagpahayag ng kasiyahan sa pagpapatibay ng komite sa panukalang batas.

Inakda ito nina Reps. Geraldine Roman (1st District, Bataan), Estrellita Suansing (1st Distirct, Nueva Ecija), at Alfred Vargas (5th District, Quezon City), at itinaguyod ni Committee on Health Chairperson Angelina Tan (4th District, Quezon).

-Bert De Guzman

Michael Sager, Emilio Daez nagpaalam na sa Bahay ni Kuya