August 11, 2026

Home BALITA Metro

Torre sa dagat ng basura: ‘Di ito kayang solusyunan ng MMDA’

Torre sa dagat ng basura: ‘Di ito kayang solusyunan ng MMDA’
Photo Courtesy: Nicolas Torre III (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Gen. Manager Nicolas Torre III sa tone-toneladang basura at debris na lumutang sa Redemptorist Water Channel sa Parañaque dulot ng pagbaha. 

Sa latest Facebook post ni Torre nitong Martes, Agosto 11, sinabi niyang hindi raw ito kayang solusyonan mag-isa ng gobyerno.

Aniya, “Lilinisin natin ito. Aalisin natin ang basura. Gagawin ng gobyerno ang trabaho nito. Pero pagkatapos nating linisin, paano natin sisiguraduhin na hindi na ito babalik sa ganito?”

“Hindi ito kayang solusyunan ng MMDA o ng gobyerno lang. Kailangan nating baguhin pati ang disiplina sa pagtatapon ng basura,” dugtong pa ni Torre.

Sa huli, nagtanong siya sa publiko kung ano ba ang konkretong solusyon sa problemang ito ng bansa.

Metro

Akbayan, nagpadala ng ‘love letter’ sa SC

“Enforcement? Mas mabigat na multa? CCTV? Community accountability? Incentives? Makikinig ako. Pero isang bagay ang sigurado: hindi puwedeng ganito na lang palagi,” anang MMDA Gen. Manager.

Matatandaang ilang araw nang inuulan ang ilang bahagi ng Pilipinas dahil sa habagat at magkasunod na pagpasok ng bagyong “Luis” at “Maymay.”

Maki-Balita: 8 patay bunsod ni 'Luis,' 'Maymay,' habagat