August 11, 2026

Home BALITA National

DepEd, nakiramay sa 5 mag-aaral na nasawi sa landslide sa Baguio City!

DepEd, nakiramay sa 5 mag-aaral na nasawi sa landslide sa Baguio City!
Photo courtesy: DepEd (FB), Baguio City PIO

Inilahad sa publiko ng Department of Education (DepEd) ang kanilang pakikiramay sa pagkamatay ng limang mga mag-aaral sanhi ng insidente ng landslide dulot ng walang tigil na pag-ulan sa Baguio City. 

Sa inilabas na pahayag ng DepEd sa kanilang Facebook page nitong Martes, Agosto 11, 2026, ikinalungkot nilang ang pagkasawi ng naturang mga mag-aaral sa Barangay Guisad Surong, Baguio City, bunsod ng walong araw na tuloy-tuloy na pag-ulan sa buong rehiyon ng Cordillera. 

Anang DepEd, dalawang Grade 7 students daw ang nasawi mula sa Guisad Valley National High School, isang Grade 3 at isang Grade 4 students naman mula sa Bonifacio Elementary School, at isang mag-aaral naman daw sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS).

“Nakikiramay po kami nang buong puso,” anila. 

Photo courtesy: DepEd (FB).

National

Atty. Lorna Kapunan, binira pang-Indian ng defense sa prosecution!

Pagpapatuloy ng DepEd, mananatili raw ang mga suspensyon ng nga klase habang nakikipag-ugnayan sila sa mga local government units (LGU) at iba pang mga ahensya upang maprotektahan ang mga mag-aaral. 

“As rains persist, class suspensions remain in place while DepEd field offices coordinate with local government units and disaster response agencies to protect our learners and personnel. We are also assessing damaged school infrastructure, focusing on slope protection to ensure campus safety,” saad nila.

“We ask the entire education community to join us in keeping the families, the victims, and the Cordillera region in our prayers,” pagtatapos pa ng DepEd. 

Samantala, hindi na nagdagdag pa ng impormasyon ang DepEd kaugnay sa pagkakakilanlan ng mga naturang estudyante. 

KAUGNAY NA BALITA: 'This will take time!' Sec. Dizon, idiniing walang 'overnight solution' sa problema sa baha