HINDI pa pala annulled ang kasal ni Paolo Contis sa ex-wife na si Lian Paz.

Paolo at LJ copy

Ito ang nakumpirma ng mga nakapanood sa interview ng 24 Oras kina Paolo at LJ Reyes. Ito ang dahilan kaya hindi pa puwedeng pakasalan ni Paolo si LJ kahit nine weeks pregnant na ang aktres.

Sabi ni Paolo, ongoing ang annulment case nila ni Lian, at idinagdag na respetuhin na lang daw ang batas kung natatagalan man maaksiyunan ang annulment case nila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero may asawa na rin si Lian ngayon. Ibig bang sabihin, hindi pa rin siya kasala sa husband niya ngayon, kahit ilang years na silang nagsasama at may anak na rin?

Sinabi na ni LJ sa anak na si Aki na buntis siya at magkakaroon ng kapatid. Pero si Paolo, hindi pa nasasabi sa dalawang anak na babae nila ni Lian ang tungkol sa pagbubuntis ni LJ.

“Gusto ko ako mismo ang magsabi nang personal sa mga anak ko na magkakaroon sila ng bagong kapatid. Pupunta ako ng Cebu para masabi sa kanila nang personal,” sabi ni Paolo.

By this time, siguradong alam na ng mga anak nina Paolo at Lian na buntis si LJ dahil nai-report na sa TV, nasulat sa mga diyaryo, at nabalita na sa social media.

Sa January 2019 ang due ni LJ na isilang ang baby nila ni Paolo, na hindi pa alam ang gender sa ngayon. Kabado si LJ na baka hindi na siya marunong humawak ng baby dahil eight years old na ngayon si Aki, na anak nila ni Paulo Avelino.

-Nitz Miralles