BUMABAHA ng mga mensahe ang social media accounts namin mula sa mga supporters ng tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, simula nang isulat naming malapit nang matapos ang teleseryeng Sana Dalawa Ang Puso.

Jodi at Richard

Tanggap naman daw ng avid supporters nina Richard at Jodi na matatapos na ang serye nila soon, pero may kahilingan ang lahat.

“Replying to @jochardofficial @bonoanbangus and 14 others, sana po magkaroon ulit ng follow up JoChard project together. Sobrang mami-miss ko sila Mona Martin at Lisa. Sila lang nagpapasaya ng puso namin mga loyal fans. Ngayon kahit mag-e-end na ang S2P, hindi pa rin ako titigil sa paghanga sa Jochard. I love them so much since BCWMH.”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Replying to @jochardofficial @bonoanbangus and 14 others, This is so true, para kasi ‘pag nakita sila, good vibes na agad. Hoping that there will be a follow-up JoChard project together either in a movie, MMK or a new serye.”

“Replying to @jochardofficial @bonoanbangus and 14 others, I am very, very much proud to be loyal JoChard forever and I am JoChard adik forever and ever!!! I love you both very very much forever more than words Forever Dear Padir @ImRichardYap08 And Dear Madir @JodiStaMaria.”

Kukulangin ang pahinang ito kapag inilagay naminG lahat ang mensahe sa amin na gusto nilang iparating sa ABS-CBN management.

Tulad ng sinabi ng lahat na nakaka-good vibes daw talaga sina Richard at Jodi, kaya hindi sila bumibitaw sa tambalang JoChard.

As of this writing ay si Jodi lang ang alam naming may gagawing movie project, samantalang si Richard ay wala pa kaming kung may next project na siya.

-Reggee Bonoan