HANGGANG maaari ay gusto ni Bro. Jun Banaag na maging masaya ang pagdiriwang ng panahon ng Pasko sa kanyang show sa DZMM. Hunyo pa lamang ay nagpapatugtog na ng Christmas carols si Dr. Love, isang tradisyong ginagawa na niya sa loob ng dalawang dekada.

Bro. Jun

Sa taong ito ay may twist naman sa kanyang show si Bro. Jun. Maglulunsad siya ng ng choir competition simula sa Oktubre.

“Noon pa man ay may plano na kaming magkaroon ng singing contest sapul nang may mag-guest na choral group sa aming show.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Madali lamang ang pagsali. Ipadala ang demo tape na kung saan sasalain ang qualified sumali. Ang awitin ay puwedeng Tagalog o English at aawitin ito nang walang accompaniment o acapella. Ipadala ito sa aming executive producer na si Ms. Sheila.”

Sa grand finals lamag umano papayagan ang mga lalahok na magkaroon ng musical accompaniment.

May matatanggap na mga tropeo, plake at gift certificates ang mga tatanghaling panalo.

-Remy Umerez