SA kanilang guesting sa Tonight with Boy Abunda nitong nakaraang gabi, sinabi ni JM De Guzman kung ano ang wish niya para sa kanyang Araw Gabi co-star na si Barbie Imperial.

JM, Barbie copy

“I wish mahanap mo ‘yung lalaki na para sa’yo, ‘yung aalagaan ka, mamahalin ka nang totoo.”

Nang tanungin si Barbie kung sa tingin niya ay si JM ‘yun, “oo” ang isinagot ng dalaga.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Tinanong si JM kung nililigawan niya si Barbie, at sumagot siya ng “hindi pa”.

Sa halip namang tumugon nang usisain kung nagpaparamdam siya sa young actress, bumaling si JM kay Barbie at nagtanong: “Okay na ba ang puso mo?”

“Okay na,” sagot ni Barbie.

Si Barbie ang ex-girlfriend ni Paul Salas, at naging kontrobersiyal pa ang mga post ng dalaga kasunod ng pakikipaghiwalay niya sa BF.

Kaya muling tinanong ni Boy Abunda si Barbie kung may pag-asa ba si JM, sakaling ligawan siya nito.

“Oo naman, Tito Boy,” sagot ni Barbie.

May mensahe pa si JM para kay Barbie: “I promise to have your back, watch over you, protect you and support you all the way sa lahat ng dreams mo, kung anong gusto mong mangyari sa buhay mo.”

Mensahe naman ni Barbie kay JM: “Kahit kanino ka ma-pair nandito lang ako para sa ’yo. Medyo alam ko na kung paano siya magmahal, sagad, eh. So gusto ko lang sabihin sa’yo, JM, ‘wag sobra. Magtira ka rin para sa sarili mo.”

-ADOR V. SALUTAJM, Barbie copyJM, Barbie copy