THANKFUL si Teresita Ssen Marquez aka Winwyn Marquez sa mga blessings na dumating sa kanya, at isa na rito ang pagkilala sa kanya bilang ang unang Asian na Reina Hispanoamericana winner.

Winwyn

Sa huling linggo nga ng Setyembre ay aalis si Winwyn patungong Bolivia para isalin ang korona sa susunod na Reina Hispanoamericana sa coronation night sa Oktubre. At wish niya na sana ay sa kinatawan ng Pilipinas niya maisalin ang korona.

Samantala, tagumpay naman ang blockbuster movie sa katatapos lamang na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), ang UnliLife, na kanyang pinagbidahan kasama ang comedian-host na si Vhong Navarro, at hanggang ngayon ay showing pa rin ito sa mga sinehan.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Kamakailan ay nag-renew si Winwyn ng exclusive contract sa GMA Network at nabigyan siya ulit ng isa pang teleserye, ang Pamilya Roces, kasama sina Carla Abellana at Rocco Nacino, sa direksyon ni Direk Joel Lamangan. Ngunit sa kasamaang-palad ay kinailangan niyang tanggihan ang proyekto dahil salungat ito sa advocacy niya bilang Filipina Reina Hispanoamericana.

“Kailangan ko pong tanggihan ang role dahil magkakaroon ng conflict sa aking advocacy,” sabi ni Wyn. “Nanghinayang din po ako kasi first time ko lamang maididirek ni Tito Joel Lamangan. Ini-explain ko po sa kanya ang dahilan ko kaya kailangan kong tanggihan ang offer at naintindihan naman ako ni Direk Joel.

“Ang advocacy ko po kasi para sa eduction at welfare ng mga kids through the Community Engagement Program. Pumupunta kami sa iba’t ibang school sa bansa para sa advocacy namin.”

Sa story raw ng Pamilya Roces, may love triangle sila nina Carla at Rocco at dahil nga may love triangle, siguradong involve ang family.

Sa kabila ng lahat ng ito ay wish ni Wyn na sana ay magkaroon pa rin siya ng chance na maidirek ni Direk Joel.

-Nora V. Calderon