NASA bansa na si KC Concepcion, in time for the 55th birthday of Sen. Kiko Pangilinan nitong Biyernes.

Sharon, Sen. Kiko, KC at mga kapatid copy

Ang ganda-ganda ng birthday message ni KC sa tinatawag niyang “dad.”

“Happy birthday, dad, I hope you like the book on health & longevity because with the knowledge, science & FARM that we have today we have no excuse but to go, grow & GLOW!!! Ok but on a more serious note ILY @kiko.pangilinan & thank you for choosing to have me in your life 24 years ago...”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang daming post na photos sa mistulang dinner, na halos kumpleto ang Pangilinan family. Wala lang sa picture ang mag-anak nina Angeli Pangilinan-Valenciano at Gary Valenciano.

Speaking of Sharon Cuneta, nabanggit niya uli si Gabby Concepcion at ipinost ang photo na magkasama sila, na kuha sa TVC shoot ng McDonald’s.

Caption ni Sharon: “The ad topped the YouTube Ads Leaderboard in the first half of the year for ‘resonating the most’ with audiences across the country.”

Dahil dito, may mga nag-comment na sana ay matuloy na ang reunion movie nina Sharon at Gabby. Nakakatuwa rin ang ilang nag-comment na sana ay magbati na ang dalawa para masaya ang lahat, lalo na si KC.

-NITZ MIRALLES