SANA nga ay maging daan ang Daig Kayo Ng Lola Ko para maging friends uli sina Bianca Umali at Kyline Alcantara, na naging malapit na magkaibigan dahil sa Kambal Karibal.

Kyline at Bianca

May mga forces lang na sumira sa friendship ng dalawa, na sad to say ay hinayaan nila, kaya nagkaroon sila ng conflict.

Pero kahit may slight conflict, pumayag sina Bianca at Kyline na magsama sa September episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko, at ang role nila ay Siamese twins. Ibig sabihin, lagi silang magkadikit sa mga eksena.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Siguro naman, mag-uusap sina Bianca at Kyline kahit wala sa eksena. At sa susunod ay hindi na sila dapat magpadala sa mga sitsit ng mga nasa paligid nila, na gusto lang sirain ang kanilang friendship. Huwag na rin silang magpadala sa mga fans na ang gusto ay pag-awayin lang sila.

Nagamit pa si Miguel Tanfelix ng mga intrigera, na nagsabing inagaw ni Kyline ang binata kay Bianca. Hindi naman pala ito totoo, at sa katunayan ay hindi nga nanliligaw si Miguel kay Bianca.

Anyway, kahapon ay present uli si Kyline sa on-ground ticket selling para sa concert niyang Kyline: Take FL16HT sa Skydome SM City North EDSA sa September 8.

Guests ni Kyline sa kanyang unang concert sina Derrick Monasterio, Jeric Gonzales, James Wright, Migo Adecer, at Kristoffer Martin. Produced ng GMA Records at CCC Productions ang concert ni Kyline, sa direksiyon ni Marvin Caldito, habang musical director si Soc Mina.

-NITZ MIRALLES