MULING nag-date sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, at batay sa social media post ni Khalil ay sa Yardstick sila nag-date. Nakalagay naman sa Instagram Story ni Gabbi na papunta na siya sa kanyang date, pero hindi niya binanggit kung sino ang ka-date.

Gabbi & Khalil

Heartbroken ang fans nina Gabbi at Ruru Madrid sa muling pagde-date nina Gabbi at Khalil. Umaasa pa rin kasi sila na magkakabalikan sina Ruru at Gabbi. Pero hanggang friends na lang ang dalawa, at hindi na nga sila love team—matagal nang nabuwag ang GabRu.

Iba na ang kapareha ni Gabbi sa bago niyang teleserye sa GMA-7 na Pamilya Roces, at iba na rin ang itinatambal kay Ruru. Kung napapansin, bini-build up din na walang permanent love team si Gabbi, na mas makabubuti sa career niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya kahit nag-guest sa Sunday PinaSaya si Gabbi last Sunday at baka ibalik bilang mainstay, hindi pa rin ibig sabihin noon ay ibabalik ang love team nila ni Ruru, o magkakabalikan sila.

Kung tama ang tsika, may iba na rin daw girlfriend si Ruru ngayon, at kilala at kaibigan pa raw ito ni Gabbi.

-NITZ MIRALLES