Inakusahan ng South Africa si US President Donald Trump ng “fuelling of racial tensions,” nitong Huwebes matapos nitong sabihing sapilitang pinaalis ang mga magsasaka sa kanilang mga lupain at marami ang pinapatay.

Sinapol ng tweet ni Trump ang malawakang magmamay-ari ng mga white sa mga sakahan sa South Africa—isa sa mga pinakasensitibong isyu sa post-apartheid history ng bansa.

“South African Government is now seizing land from white farmers’,” tweet ni Trump.

Sa isang pahayag, sinabi ng foreign ministry na nakipagkita na ito sa mga opisyal ng US embassy at binalaan na hinggil sa “alarmist, false, inaccurate and misinformed, as well as – in some cases – politically-motivated statements,” sa isyu.

Internasyonal

TikToker na afam, habambuhay makukulong dahil sa pagpatay sa asawang Pinay at kaibigan nito

“South Africa totally rejects this narrow perception which only seeks to divide our nation and reminds us of our colonial past,” pahayag ng pamahalaan sa isang opisyal na tweet.