Dead on the spot ang isang babaeng nagbenta ng bahay matapos siyang barilin sa ulo habang pauwi Maguindanao del Norte.
Babaeng nagbenta ng bahay, binaril sa ulo; perang dala, ninakaw?
Babaeng nagbenta ng bahay, binaril sa ulo; perang dala, ninakaw?
Ayon sa mga awtoridad, positibong nawawala ang perang dala ng biktima na pinaniniwalaang tinarget ng suspek na bumaril sa kaniya.
Nasa edad 40 taong gulang umano ang biktima at bitbit ang pinaghihinalaang malaking halaga ng pera.
Pagnanakaw ang tinitingnang anggulo ng mga awtoridad habang patuloy naman nilang inaaalam ang pagkakakilanlan ng suspek.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad, kabilang ang pinagbentahan na katransaksyon ng biktima.