HINAHANAP pa rin ni Jennylyn Mercado ang batang binugbog ng kanyang madrasta na napanood niya sa 24 Oras noong isang gabi. Nakakaawa kasi ang bata na halos hindi na makakita dahil sa sobrang pamamaga ng mata.

Jennylyn

Nag-viral ang video ng batang ito kaya nasaklolohan siya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD0 at ngayon ay nasa pangangalaga na nila.

Siguradong naka-relate si Jennylyn sa bata dahil dumanas rin siya ng pangmamaltrato mula sa nag-alaga sa kanya, noong bata pa siya. Iyon ang isang bagay na hanggang sa ngayon ay hindi nalilimutan ni Jennylyn. Mabuti na nga lamang at nakakita siya ng nag-alaga at nagpalaki sa kanya nang may pagmamahal, si Mommy Lydia na matagal-tagal na ring pumanaw.

Tsika at Intriga

Awra Briguela, inawra pagbabalik-eskwela; umani ng reaksiyon sa netizens

Nag-post si Jennylyn sa kanyang Facebook page through her admin, at hinahanap niya ang bata.

“Can anyone inform us how we can reach out to this poor girl? Jennylyn Mercado experienced child battery when she was barely 3. Jennylyn survived because her Mommy Lydia saved her from further physical, spiritual and emotional abuse. Jennylyn would like to extend her support to this girl. Please let us know.”

Kaya kung sinumang pwedeng makausap ni Jennylyn tungkol dito, ay mag-post lamang sa Facebook page niya.

-NORA V. CALDERON