NAPILITANG mag-emergency landing ang maliit na eroplanong kinalululanan ng US rapper na si Post Malone sa New York state airport nitong Martes, makaraang sumabog ang dalawang gulong ng eroplano habang papalipad, pahayag ng mga aviation authory.
Nag-tweet si Post Malone, na nagwagi ng Song of the Year award nitong Lunes sa MTV video awards para sa kanyang hit na Rockstar, ng: “i landed guys. thank you for your prayers. can’t believe how many people wished death on me on this website”.
Lumipad ang Gulfstream G-IV jet sa London dakong 10:50 ng umaga sa Teterboro Airport, na may50 kilometro (30 milya) ang layo mula sa New York, lahad ng Federal Aviation Authority.
Ayon sa FAA at FlightRadar website, nagpaikot-ikot umano ang eroplano sa ere, na may lulang 16 na katao, para ubusin ang gasolina bago lumapag sa Stewart airport, may 100 kilometro (60 milya) ang layo sa New York city, bandang 4:00 ng hapon.
Agence France-Presse