Dinaig ng walang talong si Jaber Zayani ng France ang Pinoy boxer na si Eduardo Mancito via 10-round split decision para matamo ang WBO Oriental super featherweight title nitong Agosto 18 sa Mandaue City, Cebu Province.
Nagsilbing undercard ang sagupaan nina Zayani at Mancito sa panalo via 12th round knockout ni world rated Christian Araneta kay one-time world title challenger Jerry Tomogdan para maisuot ang WBC Asia Silver lightflyweight title.
“Jaber Zayani of France bested Filipino Eduarto Mancito by split decision, 95-94, 96-93, 93-96, to clinch the World Boxing Organization Oriental super featherweight champion,” ayon sa ulat ng Rappler.com. “Exploiting his 7-cm reach advantage, Zanayi stretched his win run to 15 with 8 KOs, while Mancito dropped to 16-9-2, 9 KOs.”
Sa isa pang undercard, tinalo ni world rated Jobert Alvarez ang beteranong si Gerpaul Valero via 10-round split decision.
Nagwagi si Alvarez sa mga iskor na 100-90 sa huradong si Neil Papas at 98-92 kay Arnel Pasion ngunit ibang laban ang nasa isip ng huradong si Nick Banal na pinili si Valero sa iskor na 96-94.
Nakalista si Alvarez na No. 13 kay WBC flyweight champion Cristofer Rosales ng Nicaragua kaya tiyak na aangat siya sa world rankings.
-Gilbert Espeña