FOR real na kaya si KC Concepcion at ang French businessman na si Pierre Emmanuel Plassart, na idine-date ngayon ng dalaga?

Alas dos ng madaling araw ng Sabado namin nakitang nag-post si KC sa Instagram ng litrato nila ni Pierre, o PEP, na may caption na “warm genuine, timeless.”

Dati nang nagde-date ang dalawa, limang taon na ang nakararaan, pero hindi sila nagkatuluyan, dahil nang time na ‘yun ay hindi pa handa si KC.

Matatandaang botong-boto naman si Sharon Cuneta kay Pierre para sa kanyang panganay, dahil ang French guy raw mismo ang lumapit sa kanya para ipakilala ang sarili. Nabanggit pa ng Megastar na sa lahat ng manliligaw, o nanligaw kay KC, ay ang binata ang gustung-gusto niya dahil disente ito at well-mannered.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Comment ng follower ni KC na si Karen Samson: “Ang ganda lang ng LOVE STORY nila PEP and KC :) Naalala ko noon when KC broke up with Pierre because she wasn’t ready yet for a serious relationship/to settle down. Before sabi ni KC ‘pag dumating ang time na ready na siya at nandyan pa rin si Pierre siya na. Kaya lang nagka-girlfriend si Pierre at nagka-boyfriend din si KC.

“But 5 years later pareho sila single. I’m soooo HAPPY because I really LOVE Pierre for KC even before pa. Sinubaybayan ko sila before pa. Favorite talaga siya ni Mega at mahal siya ng buong pamilya at close friends ni KC, lalo na din Mamita ni KC. ‘Pag meant to be talaga kahit ilan taon pa ang nasayang at lumipas may paraan at daan talaga para mangyari ang dapat mangyari.”

Binasa namin ang comments, na umabot sa 2,256, at halos iisa ang komento kina Pierre at KC: Sana ay sila na ang magkatuluyan, at bagay na bagay silang dalawa.

Kaya madlang pipol, kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Samantala, nabanggit noon ni Sharon na kung siya ang tatanungin ay nakapag-decide na siya na si Pierre ang gusto niyang makatuluyan ni KC. Pero that time, mismong ang dalaga ang undecided.

Pero ngayon, mukhang desidido na si KC kay Pierre.

Anyway, humirit naman itong si Bossing DMB nang makita ang litrato nina Pierre at KC: “Si Direk Lino (Cayetano) ba ito?”. Kaagad naming siyang sinagot ng ‘hindi po, kahulma lang’.

-REGGEE BONOAN