SA panayam kay Myrtle Sarrosa sa Sisters for Life event ng Megasoft sa Star Mall, Alabang last weekend, nabanggit niya ang tungkol sa nalalapit niyang pelikula, ang Wander Bra.

Myrtle Sarrosa copy

Ironic naman para sa titulo ng kanyang pelikula na sa kanyang sing-and-dance number ay kapuna-puna na nakalimutan yata niyang magsuot ng bra.

Anyway, sa aming panayam kay Myrtle after the event, sinabi niyang totoo ang kanyang dibdib and she denied that she had breast surgery. Sabi pa ng dating Pinoy Big Brother Teen big winner na wala siyang anumang ipinabago sa kanyang katawan. Aminado naman ang aktres na kailangan sa kanyang film ang pagiging malusog ng kanyang dibdib.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Kasi parang hindi naman ako ‘yung star na boobs talaga ‘yung ipinapakita. So for this one, I’m really grateful na with the effects na ginawa nilang bra for me,” kuwento ni Myrtle.

Ang Wander Bra ay isang fantasy-comedy film, and Myrtle shared that her character was innocent to her sexy and beautiful looks when she turns into a superhero.

This is Myrtle’s biggest break in showbiz to date and she is very grateful for her first starring role in a movie. In a former interview, the popular cosplayer also shared that the role is a dream come true for her.

“Kasi sinabi ko talaga, ‘pag superhero, go ako. Saka gusto ko talaga ang mga fantasy. Kahit dati pa and dream ko talaga na maging superhero.”

Bukod sa pagpo-promote ng Wander Bra, na showing na on September 12, busy si Myrtle sa pagbisita sa iba’t ibang schools sa kapuluan para iparating sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pag-aaral.

“Siguro po, naka-60 schools na kami. Nakakapagod pero masaya,” sey ni Myrtle.

-Ador V. Saluta