MAHILIG sa concert si Maine Mendoza at ang mga high school friends niya, at talagang pumupunta sila local man or foreign singers. Kaya hindi kataka-taka na nanood sila last Saturday ng Anne Kulit: Promise Last Na ‘To ni Anne Curtis sa Araneta Coliseum.

Maine copy

Nag-post agad sa kanyang Instagram wall si Maine ng pictures ni Anne with a caption: @mainedcm #fangirlmode muna!“So happy I got to watch your concert, Ms. @annecurtissmith.

Congratulations on your 21st year! You were amazing on stage! And can I just say, sobrang cute mo po. Anne kulit mo: Anne adorable! I am just so glad to be able to witness how great of a performer you are.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tonight was filled with lovely songs and lit live performances. Anne galing mo! There are so many things to admire about you. Continue being an inspiration to many, Ms. Anne,”post ni Maine.

Naging friend din ni Maine ang younger sister ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith na nakasama nila sa shooting ng first solo movie nila ni Alden Richards sa Italy, ang Imagine You & Me. Nagkataon namang ang nasabing movie ang palabas sa GMA 7 nang mga oras na iyon, pagkatapos ng Magpakailanman.

Kaya naman after mai-post ni Maine ang concert ni Anne, humirit na ang kanyang fans kung kailan daw naman siya mismo ang magko-concert.

Recording artist na si Maine ng Universal Records kaya hindi malayong mangyari iyon kapag kapag nakapag-release na siya ng kanyang first album.

-NORA V. CALDERON