MARAMI ang nainggit kay Rachelle Ann Go sa post niya sa kanyang Instagram wall na kasama ang English actress na si Claire Foy. Pinanood ni Claire si Rachelle sa musical play na Hamilton, kung saan si Rachelle ang gumaganap bilang si Eliza Schuyler-Hamilton.

Claire at Rachelle

“The QUEEN! I cannot believe I met and hugged Claire Foy! I am obsessed with her in #TheCrown! I told her she inspires me and just basically freaked out the whole time (how embarrassing). She is so sweet and bubbly!”

Maraming nag-comment at natuwa for Rachelle, at hindi nila ikinaila na naiinggit sila kay Rachelle, kabilang na dito ang aktres na si Bea Alonzo at si Marvin Agustin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nag-comment din si Lea Salonga sa naturang post: “Oh my gulay, I LOVE HER!!!”, na sinagot naman ni Rachelle ng, “I KNOW!!!”.

‘Di rin nagpahuli sa pag-comment aktres na si Rica Peralejo, sabi niya, “In fairness parang ok ka naman sa photo na ito”.

Marami pang comments ang dumagsa sa comment section ng naturang larawan at puro ito papuri kay Claire Foy, na gumanap bilang si Queen Elizabeth II sa Netflix series na The Crown.

Habang nagtatagal si Rachelle Ann sa Hamilton musical, ay marami na ring mga foreign artist ang nanonood sa kanya. Pinanood na rin siya noon nina Tina Turner, Emma Stone, ang 2017 Oscar Best Actress, at ni Benedict Cumberbatch ng Dr. Strange.

-NORA V. CALDERON