JAKARTA – Malaking hamon sa atletang Pinoy ang kompetisyon sa 18th Asian Games. At para sa ilang grupo ng delegasyon, dagdag pasakit ang biyahe patungong Palembang – isa sa satellite venue ng quadrennial meet.

Ang Palembang ang kapitolyo ng South Sumatra.

Ito ang naranasan ng mga atleta mula sa lawn tennis at shooting, gayundin ang medical teams, na nagsakripsyo ng todo bago nakarating sa Asian Games Athletics Village.

Matapos ang tatlong oras na biyahe, dumating ang delegasyon sa Jakarta halos maghahating-gabi. Mula rito, ibiniyahe sila sa domestic terminals kung saan naghintay sila ng anim na oras para sa connecting flight patungong Palembang.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Kumain din ng dalawang oras sa paghihintay ang Pinoy shooters bunsod na mahigpit na seguridad ng Indon customs officials sa pagreview sa mga dalang baril at bala, higit kay trap shooter Hagen Topacio.

Dahil hindi kasama sa kanyang nadeklara sa Asian Games computer system, kinakilangan ni Topacio, two-time Asian Games veteran, na iwan ang mga dalang bala na nagkakahalaga ng P15,000 sa Jakarta airport.

“I was informed earlier by organizers that there would be no ammunition for sale at the shooting range so took the precaution of bringing my own,” pahayag ni Topacio, sumabak din sa 2010 at 2014 Asiad editions sa Guangzhou at Incheon, ayon sa pagkakasunod.

Bunsod nito, kailangan niyang maglaan ng hiwalay na budget para makabili ng bala sa shooting range.

Hindi naman pinapasok sa Athletes Village sa Jakabaring Sports Complex ang five-man tennis squad, sa pangunguna ni coach Chris Cuarto dahil sa kakulangan umano ng dokumento.

“Dati patawa-tawa lang ako, pero medyo nakakainis na,” pahayag ni Cuarto.

Mula sa dalawang oras na biyahe, nakapasok ang grupo ni Cuarto, players na sina Alberto Lim Jr., Jeson Patrombon, Francis Casey Alcantara at Marian Jade Capadocia sa Games Village, sa pamamagitan ng “Guest Passes.”

“This was (quite) a challenge but you can’t allow these circumstances to become toxic in your head,” pahayag ni Dr. Charles Corpus, chief ng PH medical team