KAMAKAILAN lang ay nag-guest si Joey Marquez sa isang episode ng Tonight with Boy Abunda, with the King of Talk, Boy Abunda. Nai-share ni Joey sa mga manonood ang naging gabay niya sa pagpapalaki sa 16 anim niyang anak, at ang dahilan ng magandang relasyon niya sa mga ito.

Joey

“Hindi ako namamalo, eh. I always talk to them as an adult. I tell them the consequences ng mga mali nila, that eventually they’re the ones who are going to suffer, not me. Tapos, humility, that’s the best formula in life,” sey ng komedyante, na mas kilala sa tawag na Tsong Joey.

Naging problema ba na iba-iba ang nanay ng kanyang 16 na anak?“No, never. I always tell them that there’s no such thing as a half-brother or half-sister… at the end of the day, kayo pa rin ang magtutulungan.”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ibinahagi rin ng veteran comedian ang pagpapahalaga niya sa pag-aaral para sa mga anak.

“The greatest gift I can give them is education, that nobody can take away,”sabi pa ni Joey.

-Ador V. Saluta