Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

8:00 n.u. -- Arellano vs.LSGH (jrs)

10:00 n.u. -- JRU vs. EAC (jts)

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

12:00 n.t. -- Arellano vs.St.Benilde (srs)

2:00 n.h. -- JRU vs EAC (srs)

4:00 n.h. -- Lyceum vs Letran (srs)

6:00 n.h. -- Lyceum vs Letran (jrs)

SILAT na lamang ang hinihintay sa Lyceum of the Philippines na magtatangkang makalapit sa isa pang first round sweep sa elimination sa pakikipagharap sa Letran sa pagpapatuloy ng aksiyon sa NCAA Season 94 basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

NAGBANGAAN sa ere ang players ng St. Benilde at Emilio Aguinaldo College sa paghahabol sa bola sa mainit na tagpo ng kanilang laro sa NCAA Season 91 men’s basketball elimination nitong Miyerkoles sa Fil-Oil Center. (RIO DELUVIO)

NAGBANGAAN sa ere ang players ng St. Benilde at Emilio Aguinaldo College sa paghahabol sa bola sa mainit na tagpo ng kanilang laro sa NCAA Season 91 men’s basketball elimination nitong Miyerkoles sa Fil-Oil Center. (RIO DELUVIO)

Matapos ang Letran, ang defending champion San Beda College ang nalalabing koponan na posibleng pumigil sa kasaysayan ng Pirates.

Nakatakda ang laro ganap na 4:00 ng hapon.

“Gaya ng palagi nyang sinasabi, pare-parehas lamang nilang tinatrato ang bawat laro na kanilang sinasabakan at hindi nila pinagtutuunan ng pansin ang sweep”, pahayag ni Lyceum coach Topex Robinson.

Aminado siya na may lakas ang Knights na pigilan sila kung kaya’t kailangang ang matikas na teamwork para maitala ang ikawalong sunod na panalo.

Magtatangka namang bumawi sa overtime na kabiguan sa kamay ng San Beda na pumutol sa kanilang 4- game winning run.

Mauuna rito, tatangkain ng Arellano University(3-3) na makopo ang pang apat na panalo upang manatiling nakaagapay sa namumunong apat na koponan sa pagsagupa nila sa St.Benilde (3-4) na hangad namang maipanalo ang nalalabing dalawang laro sa first round para makabuwelo sa second round sa paghaharap nila ganap na 12:00 ng tanghali.

Kasunod nito, hangad ng Jose Rizal University (0-7) ang napakailap na unang panalo sa pagtutuos nila ng Emilio Aguinaldo College (2-5) ganap na 2:00 ng hapon.

-Marivic Awitan