ANO ang masasabi ninyo sa 15 year-old young actress na kinuhang kontrabida sa TV series pero kalaunan ay mas umani ng paghanga sa mga manonood at halos nilampasan pa ang kasikatan ng bida?

Kyline

‘Yan si Kyline Alcantara.Nagugustuhan ng televiewers ang depth ng acting ni Kyline. Sa katunayan, mas nakikilala siyang actress kaysa star. (Inaaral na mabuti ng actress ang pagganap, pa-cute-cute lang ang star.)

Minsan ko nang nasaksihan ang napakalakas na karisma ni Kyline, sa isang open field concert sa Dagupan. Ibang klase! Kahit na siguro gaano pa ka-secured sa sarili ang lead star ng show, kung harap-harapang makikita na mas dinudumog ng fans ang suporta, tatablan. Dumog to the max, as in may hysteria.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa lahat ng mall/provincial tours, ganito ang reception kay Kyline. May pagkakataon pang nagulanit ang damit niya nang magkabalyahan ang fans sa isang mall.

Sincere siyang makiharap sa mga tagahanga, kaya bukod sa kahusayan bilang artista ay ito ang hinahabul-habol sa kanya ng teeners. Pero paulit-ulit ko pa ring tinatanong sina Lito Mañago at Glenn Regondola -- dalawang kasamahan sa panulat na nakatutok kay Kyline -- kung ano ang minamahal ng publiko sa alaga nila.

Pero tulad ko, nalilito pa sila at hindi pa ma-define ang biglang pagkahumaling ng napakaraming fans kay Kyline.Sunflowers ang tawag ng young actress sa kanyang fans. Siya ang tanging local celebrity na ganito ka-cute ang ipinangalan sa followers.

May naulinigan kaming bagong project na inihahanda ng GMA-7 sa kanya. Sana matuloy agad, dahil marami ang naghihintay.

May concert din si Kyline sa September 8 sa SM North Skydome na ayon kay Lito ay sold out na ang VIP tickets.Bago sumikat sa GMA-7, nagsimula sa ABS-CBN si Kyline noong paslit pa.

-DINDO M. BALARES