Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Centre)

10:00 n.u. -- CSB vs EAC (jrs)

12:00 n.t. -- UPHSD vs JRU (jrs)

2:00 n.t. -- CSB vs EAC (srs)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4:00 n.h. -- UPHSD vs JRU (srs)

MAKAAGAPAY sa namumunong Lyceum of the Philippines University at San Beda College ang tatangkain ng season host University of Perpetual sa pagsalang ngayon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 94 basketball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Tatargetin ng Altas ang ika-4 na panalo laban sa bokyang Jose Rizal University (0-6) sa tampok na laro ganap na 4:00 ng hapon upang makatabla sa Letran Knights (4-2) sa ikatlong puwesto at makadikit sa mga namuunong LPU (7-0) at SBU (5-0).

Bagamat hindi pa nakakatikim ng panalo ang Heavy Bombers, ayaw magkumpiyansa ni Altas coach Frankie Lim.

Para kay Lim, mas mapanganib na kalaro ang koponan na walang hinahangad kundi ang makapanalo.

Mauuna rito, mag uunahan namang makapagtala ng kanilang ikatlong panalo ang College of St.Benilde at Emilio Aguinaldo College na kasalukuyang magkasalo sa ika-6 na puwesto taglay ang parehas na markang 2-4, sa kanilang pagtutuos ganap na 2:00 ng hapon.

Sa unang dalawang juniors matches, magtutunggali sa pambungad na laro ganap na 10:00 ng umaga ang defending champion La Salle Greenhills at EAC Brigadiers habang maghaharap sa second game ganap na 12:00 ng tanghali ang Perpetual Junior Altas at JRU Light Bombers. - Marivic Awitan