Maine kasama ang fans
Maine kasama ang fans

IPINAGDIWANG ni phenomenal star Maine Mendoza ang first year anniversary ng kanyang fastfood chain franchise na McDo sa Sta. Clara sa Sta. Maria. Bulacan. Tweet nga ni Maine: “Wow, isang taon na agad? Yay! #MaineMcDoStaClaraTurns1”.

Dahil dito ay nangako si Maine sa fans na darating siya, after ng Eat Bulaga. ‘Di alintana ni Maine ang bayo ng Habagat, kahit nagbabala na ang NDRRMC ng red alert warning ng matinding hangin, ulan at baha na mararamdaman sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, Bulacan, at Rizal.

Kaya muling nag-tweet si Maine: “Friends na nandyan sa McDo ngayon, so sorry to keep you all waiting. Stuck ako sa traffic! Doon sa mga malayo pa ang uuwian, better if umuwi na kayo kasi baka lumakas pa ang ulan at mahirapan kayong makauwi.  Stay safe!”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pero hindi nakinig sa kanyang ang fans dahil nang sa wakas ay nakarating si Maine, naroon pa rin ang maraming fans. Kabilang sa mga naghintay ang isang 86 years old na lola.

Nagpasalamat naman si Maine sa natanggap na suporta mula sa fans, post niya, “Thank you for celebrating #MaineMcDoStaClaraTurns1 with us! Hindi kayo natinag ng bagyo, support kung support! Maraming salamat!”

Hindi na rin nagtagal si Maine sa naturang branch at bumalik na siya ng Manila dahil may shooting siya kinabukasan ng Jack Em Popoy kasama sina Vic Sotto at Coco Martin na entry nila para sa coming Metro Manila Film Festival sa Disyembre. - Nora V. Calderon