THAILAND -- Mula sa apat na sunod na panalo, natikman ng Team Philippines Batang Gilas ang magkasunod na kabiguan sa 2018 FIBA Asia Under-18 Championship.

HINDI umubra ang depensa ni Kai Sotto sa pagkakataong ito laban sa China, habang nagdiwang ang Australia matapos makopo ang Fiba Under-18 Asia World qualifying. (FIBA PHOTO)

HINDI umubra ang depensa ni Kai Sotto sa pagkakataong ito laban sa China, habang nagdiwang ang Australia matapos makopo ang Fiba Under-18 Asia World qualifying. (FIBA PHOTO)

Ngunit, ang masakit sa krusyal na sandali naresbakan ng China ang Batang Gilas, 76-57, nitong Sabado sa Stadium 29 para mapatalsik ang Pinoy sa podium ng torneo.

Sa kabila ng ikaapat na puwestong pagtatapos, nakakuha ng slot ang Batang Gilas para sa 2019 World Championship.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Kapwa nagpamalas ng katatagan sina Kai Sotto at AJ Edu, ngunit hindi umubra ang kanilang gilas sa determinadong Chinese squad.

Kumubra si Sotto ng 16 puntos, walong rebounds, at isang block, habang kumana si Edu ng 14 puntos.

Umiskor ng pinagsamang 21 puntos sina Dave Ildefonso, Migs Oczon, at Dalph Panopio.

Matikas na winalis ng Nationals ang Group elimination kabilang ang 73-69 panalo sa China.

Iskor:

CHINA (76) – Wang QZ 27, Xu 18, Li 9, Guo 8, Jiang HR 7, Wang YZ 7, Chen 0, Shi 0.

BATANG GILAS (57) – Sotto 16, Edu 14, Ildefonso 9, Oczon 7, Panopio 5, Abadiano 2, Amsali 2, Cortez 2, Lina 0, Ramirez 0, Torres 0.

QUARTER SCORES: 27-14, 43-26, 59-43, 76-57.