WINNER pa rin sa ratings ang Kapuso rom-com series na Inday Will Always Love You (IWALY) na pinagbibidahan ni Barbie Forteza, at mas lalo pang magiging kaabang-abang ang mga eksena sa mga susunod na araw.

Barbie Forteza copy

Matinding pasabog ang napanood ng viewers sa serye noong nakaraang linggo. Nabuking na ang tunay na pagkatao ni Sunshine (Ayra Mariano) at nalaman ng pamilya ni Happylou (Barbie) na si Amanda (Gladys Reyes) ang may pakana ng lahat. Kinidnap ni Amanda si Philip (Ricky Davao) upang pilitin na ilipat sa kanyang pangalan ang lahat ng ari-arian nito, at pagkatapos ay tinangka pang patayin ang tatay ni Happylou.

Nakaligtas man sa pagsabog, nawala na kay Philip ang kanyang kayamanan. Kaya naman si Happylou, pilit na itataguyod ang kanyang pamilya. Nariyan ang magbenta siya ng lechon sa palengke sa Carcar, Cebu.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Pero siyempre si Amanda, gagawin ang lahat para maghirap si Happylou. Sinabotahe niya ang nagsisimula pa lang sanang negosyo ng dalaga.

Kukumprontahin ni Patrick (Derrick Monasterio) ang inang si Amanda, at makikiusap na tigilan na si Happylou. Pero papayag lang daw si Amanda kung lalayuan na ni Patrick ang dalaga.

Samantala, nagbabalik si Erika (Kim Rodriguez) at ‘tila ba nagbagong-buhay na ito. Pero dapat nga bang magtiwala sina Happylou at Patrick sa kanya? Mabait na kaya siyang talaga, o may pinaplano na naman siyang masama upang makuhang muli si Patrick?

Magiging happy ending pa nga ba ang kuwento ni Happylou?

Huwag palampasin ang bawat eksena sa Inday Will Always Love You, gabi-gabi pagkatapos ng Onanay sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Inday Will Always Love You sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.