NAGSIMULA na ang banggaan ng mga karakter nina Sunshine Cruz bilang Rio at Bing Loyzaga bilang Miranda sa morning serye ng GMA na Kapag Nahati Ang Puso. At mistulang enjoy ang viewers sa tarayan ng dalawang aktres, na sinusubaybayan na ngayon bago mag-Eat Bulaga.

sunshine cruz at bing loyzaga

Simula na ng paghihiganti ni Rio kay Miranda, at handang-handa na siyang ilabas ang lahat ng baho nito. Palaban at hindi uurungan ni Rio si Miranda, na lahat ay ginagawa para mapagtakpan ang krimen na kanyang ginawa.

Pasabog ang tarayan at sagutan nina Sunshine at Bing, kaya nakaka-excite ang bawat eksena.

Tsika at Intriga

'Ate Girl' Jackie Gonzaga, naloka; buntis daw, si Ion Perez ang ama?

Samantala, puno naman ng kilig ang pagkakamabutihan ng mga karakter nina Benjamin Alves at Bea Binene bilang Joaquin at Claire. Tuluyan na bang mahulog ang loob nila sa isa’t isa? Just tutok lang sa Kapag Nahati Ang Puso, da morning serye of Kapuso Network.

-Mercy Lejarde