PALABAN pero puno ng pagmamahal. Ito ang karakter ni Jo Berry bilang Onay sa Kapuso seryeng Onanay. Baguhan lang ang bidang si Jo, pero ayon sa mga katrabaho niya, para na siyang beterana kung magpakita ng kanyang emosyon sa bawat eksena.

jo berry

Mula kay Cherie Gil hanggang kay Superstar Nora Aunor ay puro papuri ang nakukuha ni Jo.

Sa rami ng mga natatanggap niyang compliment, nanatiling humble si Jo, na lubos ang pasasalamat sa kanyang mga acting coach.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kabilang sa mga acting coach ni Jo ang gumanap na Black Lady sa Kambal, Karibal na si Roence Santos, ang assistant director ng Onanay na si Jo Macasa, at ang dating aktres na si Anne Villegas.

Sa kanyang post, kalakip ng mga selfie kasama ang kanyang acting coach, ay ang madamdaming pasasalamat ni Jo sa kanyang mentors.

“To ate @roence, ate @jomacasa and ate @annevillegas thank you very much po sa matiyagang pagtuturo sa’kin! Literal na hindi ko po alam ang gagawin kung wala kayo!” post ni Jo.

Kaya hindi na nakapagtatakang marami ang tumututok ngayon sa Onanay, hindi dahil sa naiibang adbokasiya ng kuwento ng serye, kundi talagang powerhouse cast talaga

-MERCY LEJARDE