A happy and blessed birthday to Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, today, August 12, as she turns 34!

marian rivera

At muli, mula sa kanilang mga fans ng asawang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, ang DongYanatics, nag-offer ang huli ng 34 Thanksgiving Holy Masses sa iba’t ibang simbahan sa Metro Manila at sa mga lalawigan. Nakagawian na ito ng mga fans nila ni Dingdong tuwing sasapit ang kanilang birthdays. Pareho kasing Agosto ang birthday ng mag-asawa.

Last Thursday, isang birthday celebration at reunion ng Super Ma’am cast ang ginanap sa bahay nina Marian sa Makati City. Dumating ang mga kasama niya noon sa kanyang fantasy-action-drama series, at si Shyr Valdez ang nag-organize.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Based sa Instagram Story ni Marian, masayang-masaya ang grupo, at bukod sa sumptuous dinner na pinagsaluhan nila, may kantahan at games pa silang ginawa, at kitang-kita ang saya ni Marian, siyempre kasama sina Dingdong at Baby Zia.

Pero para sa kanyang birthday, si Marian ang nagregalo sa isa sa kanyang advocacies, ang Smile Train. Nagbibigay ang grupo ng libreng operasyon sa mga batang bingot o may cleft palate.

Post sa Instagram ng manager niyang si Rams David last Friday, August 10: “Sa Linggo (August 12) pa ang kaarawan mo pero nauna ka na sa pag-alay ng regalo sa mga Batang May Bingot. Salamat sa Ngiting handog mo sa kanila, Anak. Maraming salamat. @marianrivera at Maligayang Bati sa iyong kaarawan. #smiletrain #yanangsmile.

Ang #YanAngSmile ang advocacy ni Marian, at katuwang siya ng Smile Train sa pagkalap ng mga donasyon para sa mga batang ooperahan upang maiwasto ang kanilang kalagayan at muling makangiti.

Madalas, ayaw mang ipasabi ni Marian, may share ang advocacy niya sa mga tinatanggap niyang endorsements. Mabuhay ka, Marian!

Teka pala. Nakagawian na ng mag-asawang Dingdong at Marian na pagsabayin ang celebration ng kanilang birthday. Nitong August 2 kasi nag-birthday ang aktor. Saan kaya ang birthday celebration nila this year?

-NORA V. CALDERON