HINDI lahat ng nabasa naming komento ay positive tungkol sa pagkakaroon ng bagong boyfriend ni Andi Eigenmann. Para bang malaking kasalanan na magkaroon ng bagong pag-ibig ang semi-retired actress from showbiz, kahit matagal na rin naman silang break ng ex-boyfriend niyang si Emilio Arambulo.

Andi at Philmar copy

Ang tinutukoy na bagong boyfriend ni Andi ay si Philmar Alipayo, 1st champion ng Philippine Surfing Championship Tour Men’s Division 2017.

Taga-Siargao si Philmar at nakilala siya ni Andi nang magpunta siya sa Siargao. Pareho silang surfer ni Andi, kaya mabilis silang nagkasundo.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Sa Instagram Story na ipinost ni Philmar ang picture nila ni Andi, nakasulat ang “Days like this”, at “pono nan kalipay’ na ang ibig sabihin ay puno ng saya.

Dahil sa boyfriend, magiging madalas na sa Siargao si Andi, at malamang ay matuto na rin siyang magsalita ng lengguwahe ng mga taga-Siargao, na Siargaonan, ayon sa Google.

-NITZ MIRALLES