TATANGKAIN ni World Boxing Council (WBC) minimumweight champion Wanheng Menayothin na sirain ang world record nila ni five-division world titlist Floyd Mayweather Jr. na pantay na perpektong 50 panalo sa pagdepensa kay Philippine mini-flyweight ruler Pedro Taduran sa Agosto 28 sa Nakhon Sawon, Thailand.

Kung magwawagi laban kay Taduran, mawawasak ni Menayothin ang rekord sa perpektong 51 panalo at ito ang ika-10 matagumpay niyang depensa sa WBC title na natamo noong Nobyembre 26, 2014 sa pagpapaitgil sa 9th round sa dating kampeon na si Mexican Osvaldo Novoa.

Ngunit hindi magaang na kalaban si Taduran na magtatangkang maging ikapitong world boxing champion ng Pilipinas dahil isang knockout artist siya na may 9 na knockouts sa 12 panalo at 1 talo sa split decision.

“In victory, Menayothin would surpass the 50-0 record of five division world champion Floyd Mayweather, who retired from boxing last August after knocking out Conor McGregor (of United Kingdom) in ten rounds,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Masasabing hometown world boxing champion si Menayothin dahil lahat ng 50 panalo niya, 18 lamang sa pamamagitan ng knockouts, ay naganap sa iba’t ibang lalawigan ng Thailand.

Nakalista si Taduran na No. 14 sa WBC, No. 10 sa WBA at No. 14 sa WBO sa monimumweight division.

-Gilbert Espeña