WASHINGTON (AFP) – Naiipit ang United States sa diplomatic row sa pagitan ng Saudi Arabia at Canada, kapwa katuwang at kaalyado ng Washington, gayunman sinabi ng State Department nitong Martes na hinimok nito ang Riyadh na respetuhin ang due process para sa mga nakadetineng aktibista.

Pinalayas ng Saudi Arabia ang ambassador ng Canada, pinauwi ang kanyang envoy at pinutol ang pakikipagkalakalan sa Ottawa matapos kondenahin ng katabing bansa ng US ang pagtugis sa mga aktibista sa kaharian.

‘’Both sides need to diplomatically resolve this together. We can’t do it for them,’’ sinabi ni State Department spokeswoman Heather Nauert.

Binanggit ng Amerika ang kaso sa Riyadh, aniya, idinagdag na: ‘’The United States has respect for internationally recognized freedoms and also individual liberties. That certainly has not changed.’’
Internasyonal

TikToker na afam, habambuhay makukulong dahil sa pagpatay sa asawang Pinay at kaibigan nito