MADRID (AFP) – Nagbukas ng imbestigasyon ang defence ministry ng Spain matapos isa sa Eurofighter jets nito ang aksidenteng nagbaril ng missile sa kalawakan sa ibabaw ng Estonia habang nasa routine training mission.
‘’A Spanish Eurofighter based in Lithuania accidentally fired a missile without causing any harm,’’ saad sa pahayag ng ministry, idinagdag na ang insidente ay nangyari nitong Martes ng hapon ‘’in an area of southwest Estonia authorised for this type of exercise’’.
‘’The air-to-air missile has not hit any aircraft. The defence ministry has opened an investigation to clarify the exact cause of the incident,’’ dagdag dito.
Dalawang Spanish Eurofighter jets, at dalawang French Mirage2000 jets, ang nakikibahagi sa training exercise sa Baltic country, sinabi ng ministry. Matapos ang insidente nagbalik ang jets sa air base sa Siauliai sa hilaga ng Lithuania kung saan sila nakabase.
Ang missile ay may dalang 10 kilo ng mga pampasabog at dinisenyo para mag-self-destruct sakaling mangyari ang mga ganitong aksidente, ngunit maaaring bumagsak sa lupa, ayon sa Spanish media reports.