June 06, 2026

Home BALITA National

Senado, pormal na magpapaalam pa lang kay PBBM ng special session—Sen. Win

Senado, pormal na magpapaalam pa lang kay PBBM ng special session—Sen. Win
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Inihayag sa publiko ni Senate President Pro Tempore at acting Senate President Sherwin “Win” Gatchalian na pinag-uusapan pa lang daw nilang mga senador ang paghingi ng permiso kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., para magsagawa ng special session sa Senado. 

Ayon sa naging pahayag ni Gatchalian sa panayam sa kaniya ng media nitong Sabado, Hunyo 6, 2026, sinabi niyang hindi pa raw sila nakakapagbigay ng pormal na request sa Pangulo. 

“Wala pang formal request,’ pagsisimula niya, “Pinag-uusapan pa rin ito ng mga senators.” 

Ani Gatchalian, sisiguraduhin din daw nila na makakausap nila ang mga miyembro ng bagoong minorya dahil hindi lang naman daw ang bago majority bloc magdedesisyon para sa kapakanan ng Senado. 

“And of course it will reach out to the minority group kung ano ‘yong mga kailangang pag-usapan,” aniya. 

National

Sen. Win kay Sen Loren: 'We respect her opinion, pero matibay rin opinyon ng IBP!'

Dagdag pa niya, “Hindi lang majority ang magde-decide dito kundi buong Senado. So we will… seek kung ano ‘yong mga items na kailangang pag-usapan.” 

Pagpapatuloy ni Gatchalian, wala pa raw silang espesipikong petsa kung kailan isasagawang ang special session ng Senado ngunit nakikipag-ugnayan na raw siya sa kalihim ng mataas na kapulungan upang alamin ang mga kailangan pa nilang mapag-usapan. 

“Walang pang specific target. But this morning, kausap ko lang ang Senate Secretary para malaman namin kung ano ‘yong mga kailangang i-discuss,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na direktang tugon, reaksyon, o pahayag ang mga miyembro ng minority bloc kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Loren, pinagdiinang ilegal naganap na quorum at balasahan sa Senado!

KAUGNAY NA BALITA: Pangil ng Tulfo? Sen. Erwin bibitbitin, palalayasin si SP Alan sa Blue Ribbon hearing!’