LAST Sunday, August 4, nag-celebrate na ng first birthday si Alas Joaquin, ang anak nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Nabuo ang kanilang family dahil dumating din ang ama ni Kylie na si Robin Padilla kasama ang asawang si Mariel Rodriguez at anak nilang si Isabella.

Kylie, Alas at Aljur copy

Napatunayan din sa nasabing okasyon na hindi totoo ang mga balitang hanggang ngayon ay hindi pa tanggap ni Robin si Aljur. Nakitang nagmano si Aljur kay Robin, na gumanti naman ng yakap sa kanyang future son-in-law.

Isinabay na rin ang binyag ni Alas sa first birthday niya. Dumalo rin ang friends ng mag-asawa sa showbiz.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pero bago ang celebration, nag-post si Kylie sa Instagram ng pasasalamat niya kay Aljur.

“Tomorrow marks the beginning of our parenting journey together and what a journey our first year has been. It’s definitely not been easy but I wouldn’t have it any other way. Let’s get right to the chase, I’m hard headed, impulsive and over protective. Sometimes selfish and impatient but thank you from the bottom of my heart and all dark corners of my soul for cherishing every inch of what makes me, me.

“If I were a rose, your hands would be bleeding but thank you for being the better man and always choosing to take care of your son and I. I admire your strength and patience and wisdom so so much. More than I could ever express.

“Thank you for letting me bloom and not picking my petals. Thank you, just thank you for being the human being that you are and putting us first. You are the sun, and I am the moon. We couldn’t be without each other. And I would not be the same person without you. Thank you. #AlasNumeroUno.”

Alam mong mahal na mahal ni Kylie si Aljur. At ganoon din si Aljur kay Kylie. Nang malaman nilang preggy si Kylie kay Alas, hindi sila natakot harapin ang bagong buhay na tatahakin nila, sa halip ay hinarap nila ito nang magkasama para sa magiging anak nila.

Sa ngayon, wala pa kaming alam na bagong project ng GMA para kay Kylie, na katatapos lang mag-guest sa The Cure. Nakasama pa niya sa katatapos na epidemic serye si Ruru Madrid, na katuparan ng wish ng fans ng kanilang tambalan, na nagsimula sa Encantadia.

Hindi kami magtataka kung ang susunod na project nila ay ang totoo nang balik-tambalan nina Kylie at Aljur dahil miss na miss na sila ng mga fans nila.

-Nora V. Calderon