Nababahala ang mga mambabatas sa pagtapyas sa budget ng ilang tanggapan at serbisyo sa ilalim ng Department of Justice (DoJ).

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, nirepaso ng komite ang panukalang P20 bilyon budget ng DoJ para sa 2019. Sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) para sa fiscal year 2019, nagpanukala ang DoJ at mga ahensiya sa ilalim nito ng P20.04 bilyon o 0.53 porsiyento ng kabuuang national budget na P3.57 trilyon sa susunod na taon.

Binanggit ni Rep. Bernadette Herrera- Dy (Party-list, Bagong Henerasyon) na ang alokasyon para sa Office of the Secretary ay bumaba ng 1.6% mula sa P7.296B sa ilalim ng 2018 General Appropriations Act (GAA) na naging P7.179B sa 2019.

-Bert De Guzman
Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor