ISINABAY pala sa 1st birthday ni Alas, panganay nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, ang binyag ng bata noong August 4.

Alas, Aljur at Kylie copy

Natuloy ang birthday concept na gusto ni Kylie na mala-zoo, dahil nakita naming maraming animal toys sa party. Ang hindi lang nasunod ay ang balak ni Kylie na puppies ang give away sa birthday party, dahil wala kaming nakitang guests na may dalang puppy after the party.

Wala rin kaming photos ng mom ni Kylie na si Liezel Sicangco, na nabanggit dati ni Kylie na darating para maki-birthday at para makita na rin ang apo.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Ang nakita namin sa party ay sina Robin Padilla, Mariel Rodriguez at anak na si Isabella, na nag-enjoy sa party. May picture pa kaming nakita na nagmano si Aljur kay Robin.

Anyway, handa na uling magtrabaho si Kylie ngayong pumayat na siya. Naghihintay lang siya na bigyan ng show ng GMA-7 at habang naghihintay, tuloy ang workout niya para tuluyang mawala ang ilan pang unwanted pounds.

-Nitz Miralles